Ang kasikatan ng mga online casino ay lalong umusbong nang magsimula ang pandemic, karamihan sa mga siyudad ay sumailalim sa lockdown protocol kung saan ay naging mas mahirap para sa atin gawin ang mga bagay ng nagpapasaya sa atin. Yung mga gamers na matagal nang naglalaro sa mga land-based casino pati yung mga naghahanap ng mga libangan para matanggal ang stress, ay dumulog sa iba't-ibang mga online casino platforms.
Habang tayo ay nae-expose sa larangan ng sugal at mga libangan, hindi maiiwasan na tayo ay mawalan ng kontrol sa ating sarili. Ang pagsusugal sa Pilipinas ay pinapayagan ng ating gobyerno, ngunit nararapat nating sundin ang mga regulasyon tungkol rito.
Pinapayagan lang na magsugal ang mga nasa edad simula dalawampu't isang taong gulang (21) at pataaas.
How to Gamble Responsibly | Paano magsugal ng responsable
Para malaman natin kung paano maging responsable sa sugal, kailangan natin alamin kung kailan nagiging masama ang sugal para sa atin. Ang pinaka-unang hakbang sa paglalaro ng patas at responsable, ay ang malaman ang ating mga limitasyon. Narito ang ilang mga tanong upang malaman kung ikaw ay nagkakaroon na ng problema sa pagsusugal. 1. Ipinagpaliban mo na ang iyong trabaho, pagaaral at pang-araw araw na responsibilidad para magsugal at ito ay nakaka-apekto na sa iyong reputasyon.
2. Para makapagsugal, ikaw ay nababaon na sa utang at laging nagkakaroon ng problema sa pera. Nagdudulot din ba ito ng kalungkutan at pagdurusa sa mga mahal mo sa buhay?
3. Ikaw ba ay may malakas na pakiramdam na lahat ng iyong talo ay maibabalik sayo kapag ikaw ay nagpatuloy sa pagsusugal.
4. Gusto mo ang pakiramdam nang palaging nanalo at ikaw ay nakakaramdam ng matinding emosyon ng pagdurusa sa oras na ikaw ay matalo.
5. Ikaw ay nagsusugal para umiwas o tumakas sa iyong problema, pagaalala, pagkabagot, kalungkutan o pagdadalamhati.Iilan lamang ito sa mga katanungan para malaman kung ikaw ay posibleng may problema sa sugal. Kung ang sagot mo sa mga naitala ay "OO", ikaw ay nararapat na dumulog sa isang propesyunal para humingi ng tulong.
4 Tips sa Pagsusugal ng Responsable
1. Wag isugal ang perang di mo kayang mawala. Iwasan maglaro kapag ikaw ay walang extra, at wag din mangutang kung para lang sa sugal. Mag-set ng budget at sundin ito para maiwasan ang gumastos ng mas malaki.
2. Wag maghabol ng talo at panalo. Delikado ang pasusugal habang iyong iniisip na kailangan mong mabawi yung nawala sayo, ganun din kapag sa tingin mo mananalo ka pa ng mas malaki sa susunod na taya mo. Madalas, sa kagustuhan na ito ay mas nagdudulot pa ng malaking pagkatalo.
3. Alamin ang nilalaro. Huwag magpadalos-dalos, aralin ang rules ng laro. Play smart, para hindi ka nauubusan lalo ng pera sa kaka-pusta ng walang dahilan.
4. Sugal bilang libangan. Huwag isipin na ang sugal ay maari mong mapag-kuhaan ng stable na income, totoo na maari kang makakuha ng pera sa paglalaro lang, ngunit huwag mong isalalay ang iyong kinabukasan sa laro lamang.